Huwebes, Oktubre 5, 2017

KAYAKAP KO AY MGA ULAP (SEQUENCES 4 - 8)

akda ni Rolando Quiros Mallari MD
©Mallari,RQ 2017

Pagpapahayag: Lahat ng pangyayari sa salaysay na ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang pagkakatulad sa tao, lugar, kaganapan at tiyempo ay nagkataon lamang. Itong panulat na ito ay isang script para sa isang maikling experimental film at gusto kong ibahagi sa inyo ang pagtatangka ng inyong lingkod sa larangan ng sining na ito. Ang unang lalabas na mga tala ay yaong nahuhuling sequences para pag nagbasa kayo ay mula sa unang hanggang sa huling sequence ng script. 



SEQUENCE 4

(Ring ng ring ang cellphone. Di naman nasasagot….Tulog na kasi si Queenie..)
Dingdong: (Sa text: Are you already aslept?)
No response from Queenie. Obviously deep into sleep na siya.
Upon waking up. Queenie saw that the cellphone has a miscall and a text message.

Dingdong: (Queenie reading into Dingdong’s message) – Di na tayo pwedeng magkita. Di na tayo puwedeng magpunta ng Baguio. Next week my wife will start staying in my place in San Fernando. I will not have time to leave the house by then.
Queenie, just looked at the message and placed down the cellphone.
The phone rang and Queenie was not given the time to answer it because it was cut-off immediately. She read the name on the cellphone screen. The name Dingdong appeared as miscall.

END OF SEQUENCE

SEQUENCE 5

Queenie: (Dialling her cellphone)….Oist Costabien, busy ka?
Costabien: Hindi naman po Mahal na Diyosa….
Queenie: Huwag mo nga akong matawag-tawag na Diyosa..
Costabien: E Queenie ka naman, e di parang Diyosa na rin Kamahalan…
Queenie: Hmmmmpppp…..Kung hindi ka busy punta ka diyo sa bahay…
Costabien: O sige po kamahalan…
(Mga around 15 minutes me buzzer sa may pintuan)
Queenie:  (Bubuksan ni Queenie ang pintuan at papasukin si Costa Bien)…O sige pasok ka….Ano pa inaalangan mo diyan.
Costabien: Kasi yung mga aso baka kagatin ako…
Queenie: Wag no nang alalahanin ang mga yan….Mga kamag-anak mo yan di ba? Hahahahaha
Costabien: Sobra naman kayong mang-api kamahalan…
Queenie: Hahahahaha….Nagbibiro laang naman ako…
Costabien: O bakit mo ako pinatawag? Aside from tutorials natin sa Photoshop software, mukhang me importante kang sasabihin…
Queenie: Okey…Eto, eto basahin….Babasahin yung text sa cellphone..
Costabien: Ay naku, mahal na Diyosa ang ibig lang niyang sabihin e magkita na kayo before they go to Manila. Kasi ang ibig sabihin niyan e wala na kayong time together after their Manila sojourn.
Queenie: Ay naku, I understand it the other way….
Costabien: Ay naku, you should believe me…I belong to his generation….We speak the same language. We have the same trends kaya naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin..
Queenie: I would interpret it my way….
Costabien: Ay naku, bahala ka….Kung mahal mo siya tawagin mo siya at ng magkaalaman na…Imagine nagmiscall siya sa iyo after the text message. Yun na at yun na…
Queenie : (Nag-isip ng malalim)….Ayaw ko na….Ako rin masasaktan pag ipinagpatuloy ko. Besides, priority naman niya family niya…
Costabien: Well, kung ganyan decision mo, e di ok lang.
END OF SEQUENCE

SEQUENCE 6:

Nasa ganoong situwasyon si Queenie at Costabien noong me text tone na namang natanggap ang Queenie.
Queenie: Naku, si Rodel…
Costabien: At sino namang Rodel yan Kamahalan.
Queenie: Si Rodel ex-boyfriend 12 years ago.
Costabien: 12 years ago…At ano naman ang kadramahang yan?
Queenie: Si Rodel ang boyfriend ko na bigla na lang nawala at di ko na nakita. Wala kaming closure sa isa’t isa.
Costabien: Ganon. Imbiyerna ka talaga Queenie. Yung si Dingdong, sinarhan mo na ang pintuan at bintana at etong Rodel na 12 years nang di mo nakita e super excited ka.
Queenie: Ay naku Costa, kung alam mo lang. Minahal ko si Rodel at iniyakan ko ang pagkawala niya.
Costabien: As in ha…Umiiyak ang kamahalan…
Queenie: Oo naman..Tao rin akong nasasaktan..
Costabien: Charorot ka talaga. E sigurado kong meron ng asawa yan…
Queenie: I know but I would like to meet him for one last time. Gusto ko lang alamin kung me haplos pa siya sa aking dibdib.
Costabien: Queenie…You are so weird. You do not act like that when we are talking about Dingdong. And here you are, you talk like a young woman in love if Rodel is concerned.
Queenie: Hahahaha….Wag mo ng pansinin. Busy ka ba bukas Costa?
Costabien: At bakit mo tinatanong?
Queenie: Go tayo sa Manila and we are going to meet him tomorrow night.
Costabien: What? Just like that in a flash of light?
Queenie: Ang tanong ko ang sagutin mo…Are you coming with me?
Costabien: Puwede ba naman akong humindi…
Queenie : Yun naman pala….

SEQUENCE 7:
Queenie: (Tatawagin si Costabien sa may cellphone niya): Oist Costa, ano ba ang tagal mo. 8:00 o’clock na.
Costabien: Maliligo pa lang ako kamahalan.
Queenie: Ay naku ilang oras pa kaya ang hihintayin ko.
Costabien: Wag kang mag-alala kamahalan at nandyan na ako.
(Sa loob ng isang oras na paghihintay dumating si Costabien.)
Queenie: Yan na nga ba sinasabi ko e.
Costabien: Wag ka ng magalit. Kasi inayos ko muna ang mga pangangailangan  ng mga wrangler sa bahay. Inindorse ko pa ke Richard na pamangkin ko ang pangangalaga sa kanila.
Queenie: Ah ok.
Costabien: O sige, maglakad na lang tayo sa hintayan ng sasakyan…Paano naman kasi wah ka driver ngayon.
Queenie: Mabuti na yung tayo’y magcommute na lang.
(Pagkarating  nina Queenie sa may hintayan ay nakita nila si Claude na kamag-anak ni Queenie.)
Claude: O saan kayo pupunta?
Queenie: Papunta kami ng Maynila.
Claude: Di ka ata gumamit ng sasakyan mo?
Queenie: Ay hindi kasi nga nataon namang me tanggap si Mang John.
Claude: Ang dami dyan. Bakit di ka nagtawag.
Costabien: Ay paano naman kasi e ora-orada kung maka-decide na papuntang  Manila.
Queenie: Ay naku, do I have to explain again.
Claude: Hahahahaha…Oo nga bakit nga ba.
Queenie: Simpleng explanation, hindi kami puwedeng magkita ng kakilala ko sa Sunday. At Monday very busy naman kaya ginawa ko na lang na Saturday ang usapan.
Claude: Ay ganon pala. O eto na pala sasakyan.
Costabien: Ay puno….
Claude: Kausapin ko conductor… O puwede raw, basta tayo kayo hanggang sa kabilang town. Puwede na yun.
Queenie: O sige na, maski standing beauty na tayo hanggang next town.
SEQUENCE 8:
(Ang biyahe ay tahimik. Nakarating ng Manila sina Queenie at Costabien. Bumaba sila sa SM-North EDSA.)
Costabien: Saan tayo kamahalan?
Queenie: Deretso tayo doon sa pagawaan ng computer.
Costabien: Ganon ba?
Queenie: Oo. O ayan sa 4th floor pala ang pagawaan ng laptop.
Service Crew: Ano po yun? Ano po problema ng laptop?
Queenie: Ganito kasi yun, di ko nagamit ng 2 months itong laptop kasi ang concentration ko e gamitin yung bagong laptop. Ayun noong buksan ko ayaw ng magswitch…Ganito rin ang problema ng laptop ng kapatid ko. Pareho pa mandin ng brand. Ganyan ba talaga pag ganitong brand?
Service Crew: Opo…Medyo hindi matibay ang ganitong brand kasi.
Queenie: Bakit naman? E etong akin e 6 years na siya bago magkaganito.
Service Crew: Old model po kasi yan kaya matibay.
Queenie: Ganon ba. If papagawa ko siya, gaano katagal?
Service Crew: It takes two to three weeks po.
Queenie: Bakit ang tagal?
Service Crew: Madami po kasing ginagawa eh.
Queenie: Teka lang tatawagan ko brother ko.
(Nagdial ng cellphone.)
Queenie: Two to three weeks daw?
Brother:  O sige…Magbigay ka na lang ng authorization pag umabot ng three weeks.
Queenie: Okey thanks.

(Iiwanan na  ang laptop sa service area. Babalingan si Costabien)
Queenie: Samahan mo ako.
Costabien: Saan?
Queenie: Basta samahan mo ako…
Costabien: Okey….O, shoe store yan a.
Queenie: Wag ka nang maingay….Me size 9 ba kayo ng sapatos na ito?
Seller: Opo Ma’am.
Queenie: Sige bigyan mo ako.
Costabien: Ano yan, ibibili mo siya ng sapatos? Ganyan ba kaimportante ang lalaking yan? Me polo-shirt na ngang Lacoste. Me sapatos pa…Ano bay an?
Queenie: Tumahimik ka…Diskarte koi to….
Costabien: Wah ako ma-say.
Queenie: Halika na..Go na tayo sa may Hypermart.
Costabien: Anong gagawin natin doon?
Queenie: Basta.
(Dumeretso sila sa winery and liquor store. Bumili si Queenie ng isang J and B whisky and isang box ng Menthol Marlboro. Iiling-iling na lang si Costabien)
Costabien: Aba’y kamahalan. Nakakaloka ka na. You don’t spend things like these on men. Sino ba talaga yang Rodel nay an?
Queenie: Costa, I have explained this to you already. Siya yung boyfriend kong minahal ko dati at bigla na lang nawala. Dahil sa FB nakita ko siya at gusto kong malaman talaga kung nandon pa siya sa puso ko. Aminin ko, compatible kami sa lahat..And hinahanap hanap ko yun spark na yun sa ibang nakarelasyon ko. Not even Dingdong can give me that sparkle.
Costabien: Asus, as if naman pare-pareho mga lalake. Syempre meron yung lasang sinigang, meron din yung lasang adobo, lasang cinnamon, etc. etc. etc.etc..
Queenie: Yun na nga. Para bang pag me nangyayari sa amin ng ibang lalake ang hinahanap kung pamantayan e siya.
Costabien: Well, well, well…Yan ang mga tanong na dapat mong sagutin..
(END OF SEQUENCE 8).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ARINGAY TOURISM WEBSITE TESTING

We are presently testing the Aringay Tourism Website. Please visit and we appreciate your comments. https://aringaytourism.site123.me