Huwebes, Oktubre 5, 2017

KAYAKAP KO ANG MGA ULAP (SEQUENCES 9-12)

akda ni Rolando Quiros Mallari MD
©Mallari,RQ 2017

Pagpapahayag: Lahat ng pangyayari sa salaysay na ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang pagkakatulad sa tao, lugar, kaganapan at tiyempo ay nagkataon lamang. Itong panulat na ito ay isang script para sa isang maikling experimental film at gusto kong ibahagi sa inyo ang pagtatangka ng inyong lingkod sa larangan ng sining na ito. Ang unang lalabas na mga tala ay yaong nahuhuling sequences para pag nagbasa kayo ay mula sa unang hanggang sa huling sequence ng script. 




SEQUENCE 9:
Iniwan ni Queenie ang mga laptop niya sa repair shop. Tapos dumeretso sila sa Adidas Shoe Store. Nakapamili ang Queenie at binili ang sapatos na gusto niya. Tapos sinabihan niya si Costa Bien na samahan siya sa me Hypermart.

Queenie:  Oist, La Costa, punta tayo sa Hypermart.
Costabien: At ano naman ang gagawin natin doon Kamahalan.
Queenie: Basta wag ka ng maraming satsat. Sumama ka na lang sa akin.
Costabien: Yun po ang sabi ninyo Kamahalan kaya wah po ako kaeklatan ever…Hehehehehe
Queenie: O siya…..
(Dumaan ang Queenie at Costabien sa walkway at parang naloloka ang Costabien kasi nga naman super  holding hands ang Queenie sa kanya.)
Costabien: Ay naku kamahalan, baka kung ano na lang iisipin ng mga tao sa paghoholding hands natin.
Queenie: Ay naku, kesehoda. Wala ako pakialam ever.
Costabien: Napapansin ko lang kasi Mahal na Diyosa.
Queenie: O siya nandito na tayo…
Costabien:  Wow, wines and liquor ang pupuntahan natin Diyosa.
Queenie: Kung ano-ano ang pinapansin mo.
Costabien: Siyempre naman, hindi ka naman dating ganyan. Knowing you, kilalang kilala kita na kamag-anak ni Tita Cory….
Queenie: Heh!!!! Tumigil ka nga. Hindi porke Ilocano ako e kuripot na ako. Alam mo twelve years na kaming hindi nagkita ni Rodel, siyempre gusto ko rin namang bigyan siya ng pasalubong.
Costabien: Ah ganon, love mo talaga ang Rodel na yan ano…
(Hindi na kumibo ang Queenie at itinuloy na lang niya ang pamimili. Pagkatapos noon e lumabas na sila sa shopping mall at kumuha ng taxi na magdadala sa kanila sa hotel.)
END OF SEQUENCE 9…..



SEQUENCE 10

(Nagcheck-in sina Queenie at Costabien sa hotel. Nagpahinga sila sa hotel. Nang dumilim na, nagpaalam si Costabien sa kanya at me date daw siya.  Mag-isang naiwan sa hotel room si Queenie. Naligo at naghanda na siya sa pagdating ni Rodel).

Dut dut dut. Text message mula ke Rodel.

Rodel: I am on my way.
Queenie: Ok where do we meet?
Rodel: Dyan na lang sa room mo? Ayaw ko ng lumabas!
Queenie: Di ba kakain pa tayo sa labas?
Rodel: Magpa- room service na lang tayo!
Queenie: Ah ok!

After around 30 minutes, may kumatok sa pintuan. Dagli-dagling binuksan ni Queenie ang pintuan. Nakatayo sa harap ng pintuan si Rodel. Makisig pa rin siya. Tumaba lang ng konti. Naroroon pa rin ang mabiloy na ngiti at mga matang nakikiusap.

Rodel: Magtitinginan na lang ba tayong dalawa rito? Hindi mo ba ako papasukin?

Queenie: Ay oo nga pala, pasok ka.

Rodel: Ang ganda ng kinuha mong room a. Me kasama ka rito?

Queenie: Oo ang pamangkin ko. Pero hindi niya ako sasamahan ngayong gabi.

Rodel: Ah ok. Wala bang maiinom dyan?

Queenie: Teka......( Binuksan ang ref. at naglabas ng beer in cans. Inilabas din niya yung chicharon na microwaveable. Nagsalang ito sa microwave. Ipinakita niya menu for room service ke Rodel. Kinuha niya ang telepono at tumawag ng room service).

Queenie: Room service.....
Room Service: Yes Ma’am...
Queenie: This is room 1118. I would like to order the following: calamari, shanghai lumpia, chicken ala-king and chopsuey. ( sesenyas kung meron pa. Sesenyas naman si Rodel ng wala na! )
Room Service: OkMa’am, it would take around 30minutes for your order..
Queenie: Ok.

Inayos ni Queenie ang lamesa sa loob ng hotel room at inaayos ang mga inumin ni Rodel at ang chicharon. Umupo siya na nakaharap kay Rodel.

Queenie: Kumusta na? Buti nahanap kita sa facebook.
Rodel: Eto madami ng nabago. Hindi na ako ang dating si Rodel.
Queenie: Hulaan ko kung ano ang nabago. Una me asawa ka na. ( Parang me tumusok sa kanyang dibdib noong nasabi niya yun.) Pangalawa me mga anak ka na.
Rodel: ( Ngumiti habang umiinom ng beer). Oo at isang anak lang. Bakit mo naman nasabi yan kaagad.
Queenie: Bigla ka kasing nawala noon. Ni walang paalam.
Rodel: Nagka-allergy kasi ako.
Queenie: Nagka-allergy ka sa akin?

Sabay silang nagtawanan.

Queenie: Nagtanong tanong kaya ako. Ang sabi nakabuntis ka daw. At tumigil na ng pag-aaral. Pumasok ka daw na security guard.

Rodel: Ang galing mong mang-imbestiga a. Tutoo yan. Nabuntis si Misis. Mahina ka kasi eh!

Queenie: Ay grabe namangka sa dalawang ilog.

Rodel: Kami na noon bago ikaw. Hindi lang kita mahindian, ewan kung bakit.

Queenie: Ows?

Rodel: Oo! Nakarma nga ata ako eh!

Queenie: Bakit mo naman nasabi yan?

Rodel: Nahirapan siyang magbuntis. Nagkasakit sa puso. Buti nga nakaligtas sila ng bata. Hindi na siya puwedeng magbuntis dahil kung magbubuntis pa siya posibleng ikamatay niya.

Queenie: E di buntisan mo ako!

Rodel: Ay naku palabiro ka pa rin tulad ng dati.

Nagngitian sila at nagtinginan ng biglang may kumatok sa pinto. Tumayo si Rodel at binuksan ang pintuan. Nandon ang room service at ipinapasok niya ang order na pagkain. Inilapag ng mga waiter ang mga order at pinirmahan ni Queenie ang resibo para maicharge sa kanyang room. Nagsimula na silang kumain at patuloy na nagkuwentuhan.

Rodel: Yung anak ko me ADHD - Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Queenie: Ay naku ang hirap naman pala ng situation mo. Malaki ang sakripisiyong kinahaharap mo sa pagpapalaki ng batang may problemang ganyan.

Rodel: Yun na nga! Nadagdag pa ang naging problema ko sa upisina.

Queenie: Ano naman naging problema mo doon?

Rodel: Di mo nabasa sa newspaper?

Queenie: Paano ko mababasa e nasa abroad ako.

Rodel: Nasa internet! Basahin mo! (Ipinakita ni Rodel kay Queenie yung internet link na siya naman niyang binasa.)

Queenie: Ay naku grabe pala mga pinagdaanan mo. Hindi naman ikaw me kasalanan doon. Syempre security guard ka. Pinasok ng magnanakaw ang upisina ninyo. At ang laki pa at kilalang-kilala ang upisina ninyo. Armado ang mga magnanakaw, kailangang ipagtanggol ninyo ang sarili ninyo at ng upisina ninyo. Kung hindi sila ang patay, kayo.

Rodel: Yun nga din sinabi sa amin. Pero hindi maalis sa isip at loob ko na nakapatay ako ng tao.

Queenie: Yun nga ang diperensiya ninyo ng magnanakaw na yun. Ayun sa imbestigasyon, mga kilalang grupo ng magnanakaw nadale ninyo. Sila walang konsensiya, kayo meton.

Rodel: Oist, bakit mo alam yan?

Queenie: Siyempre itinuturo ko yan noon sa Criminology!

Nagtawanan na naman sila. Masaya silang nagkuwentuhan.

Queenie: Bawal ang magsigarilyo. Non-smoking room.

Rodel: Hindi naman ako nagsisigarilyo a.

Queenie: Malay ko, baka yun ang isang nabago sa iyo.

Rodel: Ah hindi ah.

Binuksan ni Rodel ang TV. Inubos ang iniinum niyang beer. Pumasok sa banyo at nagmumog at nagsipilyo. Naligo. Pagkatapos niyang maligo, naglasuot ng roba at lumabas. Si Queenie naman ang sumunod na pumasok sa banyo at nagsipilyo at naghilamos dahil nakapaligo na siya kanina pa. Lumabas siyang inaayos ang buhok. Si Rodel naman nakaupo at nakasandig sa headboard. Kinawayan niya si Queenie na tumabi sa kanya. Tumabi naman si Queenie at pagkatabi nito, inakbayan niya ito.

Rodel: Bakit mo ako hinanap at bakit ka pa nakipagkita sa akin?

Queenie: Wala tayong closure Rodel. Bigla ka na lang nawala. Ni hindi ko alam kung tutoo mga nabalitaan ko. Akala mo ba hindi ko iniyakan ang pagkawala mo?

Rodel: Kinalimutan mo na lang sana ako.

Queenie: Ayaw ng puso ko wh!

Rodel: Mas mabuti na yun! Tingnan mo, malayo na narating mo! Hindi na natin maibaba.ik ang nakalipas.

Tiningnan ni Rodel si Queenie na unti-unti ng lumuluha. Pinahid ni Rodel ang luha niya habang nakatingin siya sa TV na nanonood. Hinihintay ni Queenie na halikan siya ni Rodel tulad ng dati. Patuloy na nanonood si Rodel ng TV bagaman naramdaman niyang inilapit ni Rodel ang katawan niya sa kanya. Maliban doon, patuloy nanonood ng TV si Rodel. Hindi na namalayan ni Queenie kung anong nangyari at naidlip na siya. Iba na ang puwesto niya sa kama. Pareho na silang natakluban ng kumot ni Rodel. Nagsimula na siyang halikan ni Rodel at nangyari ang pagniniig na pinakakaasam-asam ni Queenie na mangyari. Sa nangyari sa kanila, alam ni Queenie na mahal pa rin niya si Rodel at batid ni Queenie, mahal pa rin siya Rodel. Noong nakarating na sila ng sukdulan, alam na ni Queenie na kailangan na niyang magsara ng pintuan.

Kinaumagahan, tumunog ang telepono ni Queenie at nakita niyang si Costabien ang tumatawag at sinabi niyang pabalik na siya ng hotel. Gising na rin Rodel at nag-ayos ng paalis. Ibinigay ni Queenie ang pasalubong niya ke Rodel at sila,y nagpaalaman na. Mahigpit na niyakap ni Rodel si Queenie at hinalikan siya ng matagal bago nagpaalam muli.Tiningnan na siya ni Queenie na umalis hanggang hindi na niya makita ito dahil sa luhang lumalambong sa kanyang paningin.

SEQUENCE 11

Pinahid ni Queenie ang luha niya. At bumalik sa loob ng kuwarto at humiga sa kama at natulog muli. Nagising na lang siya sa katok sa pinto at yun na nga dumating na si Costabien.

Costabien: O mahal na Diyosa! Kumusta ang inyong gabi. At dito pala kayo nagkainan.

Queenie: Yeah, you should have been here at ikaw umubos ng pagkain.

Costabien: Ay naku mahal na Diyosa, ibang kainan ang ibig kong sabihin.

Queenie: Tinatanong pa ba yun?

Costabien: Ay naku ha, Bakit hindi ka masaya?

Queenie: I don’t need to explain!

Costabien: Ay Diyosa talaga!

Queenie: Tawagan mo nga housekeeping at ayusin ang kuwarto at kunin ang mga pinagkanan.


Costabien: Di ba magchecheckout din tayo ngayon?

Queenie: Ayoko ng magulong room.

Costabien: Ay naku nangangamoy kasi kaya gustong magpahousekeeping. Amoy Clorox ata!

Queenie: Tigilan mo kabaklahan mo Costabien.

Costabien: Sorry po mahal na Diyosa. Ano po ang itinerary po natin ngayon?

Queenie: Nag-extend ako ng isang day rito.

Costabien: What?

Queenie: Mayroong mga text messages sa akin nakatulugan ko. Basahin mo.

Costabien: (Binasa ang messages). Oh my God. Ang ganda mo talaga Diyosa. At mega-meet kayo talaga ni Dingdong naman ngayon. Long hair ka talaga! The past and the present talaga ang drama!

Queenie: Ano bang past and the present yan? The past and the past sila.

Costabien: Ay oo nga! Si Papa Joseph pala ang present. Iba ka talaga Diyosa.

Queenie: Ay naku ewan ko ba dyan ke Dingdong na yan! Sinabihan ko na huwag na kaming magkita, masyadong mapilit.

Costabien: Ay naku mahal ka daw noong tao!

Queenie: Mahal? Kung mahal niya ako bakit niya pinakasalan yung girl na yun.

Costabien: Yun na nga mahal na Diyosa, hindi nakayanan ang long didtance relationship.

(Nang mayroong kumatok sa pinto. Binuksan ni Costabien. Nagulat siya at si Dingdong nasa pintuan.)

Dingdong: Good morning Costa!

Costabien: OMG! Ano ba ito? Iskiyerda na naman ang beauty ko. Mahal na Diyosa, sa may lobby lang ako muna.

( Mabilisang umalis si Costabien at si Dingdong naman ay pumasok sa kuwarto. Umupo sa gilid ng kama.)

Dingdong: Kumusta?

Queenie: Heto, okey lang. Bakit ka nagpunta pa rito? Sabi ko naman huwag na tayong magkita. Mag-eeskandalo ang asawa mo pag nalaman niyang nagpunta ka rito.

Dingdong: Queenie naman!

Queenie: Huwag mo na namang sabihin sa akin na enjoy natin ang time habang nandirito ako sa Pilipinas. Parang unfair.

( Ilalapit ni Dingdong ang kanyang mukha sa mukha ni Queenie! Hinalikan niya si Queenie. Nagpaubaya ito. Isa na namang pagniniig ang nangyari kay Queenie at Dingdong. Sa pagniniig na iyon, alam ni Queenie na isa na namang relasyon ang tinuldukan niya.)

Walang napagsarhang usapan si Dingdong at saka si Queenie tungkol sa relasyon nila. Alam ni Queenie na pag nag- asawa na ang mga dati niyang karelasyon, mainit pa ang simula ngunit habang lumalalim ang relasyong mag-asawa ng mga ito unti-unting makakalimutan na siya. Binalikan lamang niya si Rodel dahil magmula noong nagkarelasyon sila, siya lang ang nakapagbigay ng tamang satispakyon sa sekswal at emosyonal niyang pangangailangan. Ang pagkawala nito ay malaking kahungkagan ang naiwan sa kanya. Ang pagkikita nila ke Rodel ang nagtapos ng mga alalahaning ito.

Alam na rin ni Queenie ang gagawin niya ke Dingdong. Maglalaho na rin siya sa mundo nito. Ang una niyang ginawa ay iblock ang Facebook ni Dingdong. Nagpalit siya ng telephone number.

Tinawagan na niya si Costabien at sinabi na magcheck-out sila ng hotel at umuwi na sila.



-WAKAS-



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ARINGAY TOURISM WEBSITE TESTING

We are presently testing the Aringay Tourism Website. Please visit and we appreciate your comments. https://aringaytourism.site123.me